Humahabol naman bilang ika-labing dalawang kandidato sa pagka-Pangulo si Senadora Jamby Madrigal.
Kahapon ay inanunsyo ni Madrigal ang kanyang desisyon sa darating na 2010.
Hindi na naman ikinagulat ng mga kapwa Presidentiable ang pagtakbo ni Jamby. Ang ilan ay winelcome pa ito. Pero, ang kampo ni Senador Manny Villar, sinabing walang pinagkaiba si Madrigal kina Eddie Gil at Ely Pamatong.
Isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa ang pamilya ni Jamby.
Noong 2001, tumakbong Senador si Madrigal ngunit nabigo. Taong 2004, muli na naman itong kumandidato. Sa pagkakataong iyon, endorser na ni Jamby si Judy Ann Santos. Mula sa dating ika-labing walong puwesto, umakyat sa pang-anim si Jamby. Bagay na nagdala sa kanya sa Senado.
Sa loob ng panunungkulan sa Mataas na Kapulungan, umalingawngaw ang tinig ni Jamby Madrigal. Nanguna sa mga isyu ng katiwalian sa gobyerno. Kritikal na binatikos si Pangulong Arroyo.
Bumandera si Jamby sa sesyon tungkol sa Fertilizer Fund Scam, Hello Garci at ZTE Deal.
Nitong huli, binanatan ni Madrigal ang dating kaibigan, ngunit ngayon ay mortal nang kaaway na si Senador Manny Villar hinggil sa double entry ng C-5 Road Extention.
Kung makinarya, impluwensya at salapi, hindi yata problema sa Senadora.
Ngunit, ang partido, popularidad, at konkretong accomplishments, may laban ba si Jamby? O hindi kaya, tama si Villar, na pang-gulo lang ang pagtakbo ng Senadora?
BRO. EDDIE VILLANUEVA
BANGON PILIPINAS MOVEMENT.
Ito kaya ang Partidong magpapanalo kay Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord (JIL) Movement? Si Bro. Eddie umano ang pinaka-qualified na kandidato ng naturang partido na kanya ring pinamumunuan.
Hati ang posisyon ni Villanueva sa mga isyu. Hindi rin maingay sa ngayon ang kanyang planong muling tumakbo sa karerang pang-Panguluhan.
Hindi sumasama si Villanueva sa mga Presidential Forums at hindi rin naglalabas ng Advocacy Ads. Sabagay, patuloy ang ere ng kanyang programa sa QTV 11 at GMA 7 na Diyos at Bayan na siya ring gagamitin niya bilang campaign tagline.
Noong 2004 Elections, tumakbo na rin si Villanueva sa pagka-Presidente. Sa kasamaang-palad, hindi siya nanalo. Katunayan, siya pa ang nakakuha ng pinakamaliit na porsyento ng boto sa nagdaang eleksyon.
Sapat na ba ang bilang ng mga miyembro ng kanyang relihiyon para dalhin siya sa Malacañang?
Handa na kaya si Bro. Eddie sakaling muling mabigo ng taong-bayan?

AMONG ED PANLILIO
Ang Kapampangan Priest na nagpataob sa Lapid Political Dynasty at sa kilalang Jueteng Lord sa Governadorial Race ng Lalawigan ng Pampangga.
Tinalikuran ni Among Ed Panlilio ang pagiging pari upang paglingkuran ang mga kababayan. Tinangkilik marahil ng Pampangga si Panlilio sa pagiging pari nito. Kilala kasi tayong mga Pilipino bilang bansang maka-Diyos.
Ibinulgar din ni Panlilio ang perang naka-envelope na ipinadala sa kanya ng Malacañang.
Pinataas rin ni Among Ed ang income ng Pampangga sa Quarry. Bagay na hindi nagawa ng mga nagdaang Administrasyon.
Kilalang kritiko ni Arroyo si Panlilio.
Noong una, walang balak tumakbo ang Gobernador. Pero, kamakailan ay inanunsyo nitong desidido na siyang tumakbo.
Kung makinarya ang pag-uusapan, BAHALA NA ang tugon ni Among Ed.
Kung track record naman, QUARRY lang daw ang maisasagot nito ayon sa ilang pulitiko.
Sa ilang eksperto, mahinang kandidato si Panlilio. Bukod sa wala itong partido, hindi rin ito popular. Malabo rin daw na makakuha ng boto si Among Ed sa mga Pilipinong hindi Katoliko tulad ng mga Muslim, INC, Dating Daan at iba pa.
Sa laban niyang ito sa 2010, literal kayang magiging sugatan si Panlilio?

JOSEPH "ERAP" ESTRADA
Kung hindi magkakasundo ang oposisyon para sa isang kandidato, mapipilitan siyang tumakbo.
Yan ang banta ni Dating Pangulong Joseph Estrada. Ito ay sa kabila ng balitang hindi siya papayagan ng Korte Suprema na muling tumakbo bilang Presidente. Ito'y batay na rin sa ibinigay sa kanyang pardon ni Pangulong Arroyo.
Pumapalo sa ratings si Erap. Patunay lamang na malakas ang hatak nito sa masang Pilipino. Ngunit, hindi pirmi ang ratings. Malamang, hindi pa rin malilimutan ng Sambayanang Pilipino na Erap was convicted for many counts of Graft and Corruption.
Samu't-saring anumalya ang kinasangkutan ni Erap sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo. Kung kaya't, pinatalsik si Erap sa pamamagitan ng EDSA Dos.
Sa pagpapahayag ni Erap ng ambisyong pasukin muli ang Malacañang, hindi kaya lalo lang magkalabo-labo ang oposiyon? Bagay na maaaring gamitin ng Administrasyon at sabihing wala silang pagkakaisa.
Ang tanong, pagbibigyan bang muli ng Pilipinas ang isang tiwaling Presidente?

MAKATI MAYOR JEJOMAR BINAY
Hudyat na nga ba ng pormal na kandidatura ang commercial niya tungkol sa MAKATI? Tapos na kasi ang anibersaryo ng Lungsod ngunit patuloy pa rin ang pag-ere ng mga advocacy ads na ito.
Kilalang taga-oposisyon si Makati Mayor Jejomar Binay. Kabi-kabila ang batikos nito sa Administrasyong Arroyo.
Malaki rin ang naging kontribusyon ni Binay sa pagpapalago ng ekonomiya. Isa kasi ang Makati sa may pinakamalaking hatak ng mga business investors sa bansa.
Gayunpaman, tila sinisimulan na rin ni Binay na magkaroon ng political dynasty. Ito'y matapos tumakbo at manalo ang anak ni Binay sa pagka-Kongresista.
Pero, matigas at pulidong Leader si Binay. Katunayan, hindi napapakialaman ng MMDA ang Lungsod ng Makati. May sarili kasing ahensya si Binay.
Hayagan ang ginagawang kampanya ng mga kaalyado ng Alkalde. Pero, ang tanong, kakalabanin ba niya ang kapartidong si Erap Estrada na lumulutang ring Presidentiable?
Sa pagtakbo ni Binay, mawawatak na ba ang oposisyon?

SEC. GILBERT "GIBO" TEODORO
Department of National Defense Secretary. Yun lang marahil ang pagkakakilanlan ni Sec. Gilbert "Gibo" Teodoro na sinasabing maingay na pambato ni Pangulong Arroyo sa 2010 Elections.
Hindi popular si Teodoro kahit pa maraming taong naglingkod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Gayunpaman, bumabawi si Gibo sa mga advocacy ads bilang hudyat ng pagpapakilala sa taong-bayan. Katulad ng marami, walang absent si Gibo sa mga Presidential Forums.
Doon, ay walang habas niyang pinupuri ang mga positibong kontribusyon ng Administrasyong Arroyo na kanyang pinaglilingkuran.
Sa napipintong pagtataas ng kamay sa kanya ni PGMA, ilang eksperto ang nagsasabing magiging kabawasan sa kanyang kredibilidad. Hindi kasi maganda ang imahe ni PGMA. Kung kaya't, tila magdadalawang isip ang taong-bayan sakaling ikampanya siya ng dating Pangulo na kinagagalitan ng lahat.
Hindi pa rin tiyak ang kandidatura ni Gibo sa kabila ng samu't-saring personality build-ups. Haharangin kasi ng isa pang aspiring Presidentiable na si Bayani Fernando ang kandidatura ni Gibo. Ayon kasi sa MMDA Chairman, siya ang dapat dalhin ng pinagsanib na LAKAS-CMD.

MMDA CHAIRMAN BAYANI FERNANDO
Noon pang isang taon rumatsada si Fernando sa matapang na pag-aanunsyo ng kanyang ambisyong mag-Presidente sa 2010. Maingay at direktang sinasabi ni Fernando na siya ang dadalhin ng Administrasyon sa darating na halalan.
Si Fernando ay galing sa angkan ng pulitiko. Ilang dekada nang naghahari ang mga Fernando sa maunlad na Lungsod ng Marikina. Matapos ang tatlong termino ni Gil Fernando na kanyang ama, umeksena si BF at naging Mayor din ng siyam na taon, at matapos iyon, kumandidato ang asawang si Marides at ngayon ay ginugugol ang kanyang ikatlong termino.
Larawan ng disiplina si BF. Sa Marikina, binago niya ang imahe ng isang siyudad. Discipline, Good Taste and Excellence. Napagtagumpayan naman iyon ni BF.
Nang mahirang na Metropolitan Development Authorithy (MMDA) Chairman, dumami ang kritiko at galit sa kanya. Kabilang rito ang mga nasasagasaang sidewalk vendors at mga public utility drivers.
Sa mahigpit at di-popular na sistemang pinaiiral ni Fernando, marahil ay hindi siya nauunawaan ng marami. Bagay na itinuturing na weakness niya kung sakaling kumandidato.

Subscribe to:
Posts (Atom)