Humahabol naman bilang ika-labing dalawang kandidato sa pagka-Pangulo si Senadora Jamby Madrigal.
Kahapon ay inanunsyo ni Madrigal ang kanyang desisyon sa darating na 2010.
Hindi na naman ikinagulat ng mga kapwa Presidentiable ang pagtakbo ni Jamby. Ang ilan ay winelcome pa ito. Pero, ang kampo ni Senador Manny Villar, sinabing walang pinagkaiba si Madrigal kina Eddie Gil at Ely Pamatong.
Isa sa pinaka-maimpluwensyang tao sa bansa ang pamilya ni Jamby.
Noong 2001, tumakbong Senador si Madrigal ngunit nabigo. Taong 2004, muli na naman itong kumandidato. Sa pagkakataong iyon, endorser na ni Jamby si Judy Ann Santos. Mula sa dating ika-labing walong puwesto, umakyat sa pang-anim si Jamby. Bagay na nagdala sa kanya sa Senado.
Sa loob ng panunungkulan sa Mataas na Kapulungan, umalingawngaw ang tinig ni Jamby Madrigal. Nanguna sa mga isyu ng katiwalian sa gobyerno. Kritikal na binatikos si Pangulong Arroyo.
Bumandera si Jamby sa sesyon tungkol sa Fertilizer Fund Scam, Hello Garci at ZTE Deal.
Nitong huli, binanatan ni Madrigal ang dating kaibigan, ngunit ngayon ay mortal nang kaaway na si Senador Manny Villar hinggil sa double entry ng C-5 Road Extention.
Kung makinarya, impluwensya at salapi, hindi yata problema sa Senadora.
Ngunit, ang partido, popularidad, at konkretong accomplishments, may laban ba si Jamby? O hindi kaya, tama si Villar, na pang-gulo lang ang pagtakbo ng Senadora?
No comments:
Post a Comment