SEC. GILBERT "GIBO" TEODORO

Department of National Defense Secretary. Yun lang marahil ang pagkakakilanlan ni Sec. Gilbert "Gibo" Teodoro na sinasabing maingay na pambato ni Pangulong Arroyo sa 2010 Elections.

Hindi popular si Teodoro kahit pa maraming taong naglingkod sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Gayunpaman, bumabawi si Gibo sa mga advocacy ads bilang hudyat ng pagpapakilala sa taong-bayan. Katulad ng marami, walang absent si Gibo sa mga Presidential Forums.

Doon, ay walang habas niyang pinupuri ang mga positibong kontribusyon ng Administrasyong Arroyo na kanyang pinaglilingkuran.

Sa napipintong pagtataas ng kamay sa kanya ni PGMA, ilang eksperto ang nagsasabing magiging kabawasan sa kanyang kredibilidad. Hindi kasi maganda ang imahe ni PGMA. Kung kaya't, tila magdadalawang isip ang taong-bayan sakaling ikampanya siya ng dating Pangulo na kinagagalitan ng lahat.

Hindi pa rin tiyak ang kandidatura ni Gibo sa kabila ng samu't-saring personality build-ups. Haharangin kasi ng isa pang aspiring Presidentiable na si Bayani Fernando ang kandidatura ni Gibo. Ayon kasi sa MMDA Chairman, siya ang dapat dalhin ng pinagsanib na LAKAS-CMD.

3 comments:

Anonymous said...

sir naman, ano magagawa ng protest mo sa milf..ikaw yung defense secretary... sabagay di mo kasi naranasan sa gubat...bakit pa mag tiwala sa milf, or asg na yan...only a dead muslim for a Good or should i say a God less muslim...tama na papogi...gyerahin na yan mga yan..pag wala ka magawa..sigurado ako yung ratings mo sa kangkungan ka pupulitin..kahit marami ka pera.

admin said...

ahay.. bobo k nman pla ee.. try tto understand the situation brod bgo k mgbitiw ng mga senseless reasonings.. :(

Ramon Guico said...

Nicely said! I like the way you write. Will certainly visit your site more often now.

-pia-