Hudyat na nga ba ng pormal na kandidatura ang commercial niya tungkol sa MAKATI? Tapos na kasi ang anibersaryo ng Lungsod ngunit patuloy pa rin ang pag-ere ng mga advocacy ads na ito.
Kilalang taga-oposisyon si Makati Mayor Jejomar Binay. Kabi-kabila ang batikos nito sa Administrasyong Arroyo.
Malaki rin ang naging kontribusyon ni Binay sa pagpapalago ng ekonomiya. Isa kasi ang Makati sa may pinakamalaking hatak ng mga business investors sa bansa.
Gayunpaman, tila sinisimulan na rin ni Binay na magkaroon ng political dynasty. Ito'y matapos tumakbo at manalo ang anak ni Binay sa pagka-Kongresista.
Pero, matigas at pulidong Leader si Binay. Katunayan, hindi napapakialaman ng MMDA ang Lungsod ng Makati. May sarili kasing ahensya si Binay.
Hayagan ang ginagawang kampanya ng mga kaalyado ng Alkalde. Pero, ang tanong, kakalabanin ba niya ang kapartidong si Erap Estrada na lumulutang ring Presidentiable?
Sa pagtakbo ni Binay, mawawatak na ba ang oposisyon?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment