JOSEPH "ERAP" ESTRADA

Kung hindi magkakasundo ang oposisyon para sa isang kandidato, mapipilitan siyang tumakbo.

Yan ang banta ni Dating Pangulong Joseph Estrada. Ito ay sa kabila ng balitang hindi siya papayagan ng Korte Suprema na muling tumakbo bilang Presidente. Ito'y batay na rin sa ibinigay sa kanyang pardon ni Pangulong Arroyo.

Pumapalo sa ratings si Erap. Patunay lamang na malakas ang hatak nito sa masang Pilipino. Ngunit, hindi pirmi ang ratings. Malamang, hindi pa rin malilimutan ng Sambayanang Pilipino na Erap was convicted for many counts of Graft and Corruption.

Samu't-saring anumalya ang kinasangkutan ni Erap sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo. Kung kaya't, pinatalsik si Erap sa pamamagitan ng EDSA Dos.

Sa pagpapahayag ni Erap ng ambisyong pasukin muli ang MalacaƱang, hindi kaya lalo lang magkalabo-labo ang oposiyon? Bagay na maaaring gamitin ng Administrasyon at sabihing wala silang pagkakaisa.

Ang tanong, pagbibigyan bang muli ng Pilipinas ang isang tiwaling Presidente?

No comments: