AMONG ED PANLILIO

Ang Kapampangan Priest na nagpataob sa Lapid Political Dynasty at sa kilalang Jueteng Lord sa Governadorial Race ng Lalawigan ng Pampangga.

Tinalikuran ni Among Ed Panlilio ang pagiging pari upang paglingkuran ang mga kababayan. Tinangkilik marahil ng Pampangga si Panlilio sa pagiging pari nito. Kilala kasi tayong mga Pilipino bilang bansang maka-Diyos.

Ibinulgar din ni Panlilio ang perang naka-envelope na ipinadala sa kanya ng MalacaƱang.

Pinataas rin ni Among Ed ang income ng Pampangga sa Quarry. Bagay na hindi nagawa ng mga nagdaang Administrasyon.

Kilalang kritiko ni Arroyo si Panlilio.

Noong una, walang balak tumakbo ang Gobernador. Pero, kamakailan ay inanunsyo nitong desidido na siyang tumakbo.

Kung makinarya ang pag-uusapan, BAHALA NA ang tugon ni Among Ed.

Kung track record naman, QUARRY lang daw ang maisasagot nito ayon sa ilang pulitiko.

Sa ilang eksperto, mahinang kandidato si Panlilio. Bukod sa wala itong partido, hindi rin ito popular. Malabo rin daw na makakuha ng boto si Among Ed sa mga Pilipinong hindi Katoliko tulad ng mga Muslim, INC, Dating Daan at iba pa.

Sa laban niyang ito sa 2010, literal kayang magiging sugatan si Panlilio?

No comments: