MMDA CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

Noon pang isang taon rumatsada si Fernando sa matapang na pag-aanunsyo ng kanyang ambisyong mag-Presidente sa 2010. Maingay at direktang sinasabi ni Fernando na siya ang dadalhin ng Administrasyon sa darating na halalan.

Si Fernando ay galing sa angkan ng pulitiko. Ilang dekada nang naghahari ang mga Fernando sa maunlad na Lungsod ng Marikina. Matapos ang tatlong termino ni Gil Fernando na kanyang ama, umeksena si BF at naging Mayor din ng siyam na taon, at matapos iyon, kumandidato ang asawang si Marides at ngayon ay ginugugol ang kanyang ikatlong termino.

Larawan ng disiplina si BF. Sa Marikina, binago niya ang imahe ng isang siyudad. Discipline, Good Taste and Excellence. Napagtagumpayan naman iyon ni BF.

Nang mahirang na Metropolitan Development Authorithy (MMDA) Chairman, dumami ang kritiko at galit sa kanya. Kabilang rito ang mga nasasagasaang sidewalk vendors at mga public utility drivers.

Sa mahigpit at di-popular na sistemang pinaiiral ni Fernando, marahil ay hindi siya nauunawaan ng marami. Bagay na itinuturing na weakness niya kung sakaling kumandidato.

No comments: