RICHARD "DICK" GORDON

Ang anak ng Olonggapo na si Richard Gordon ay galing sa angkan ng mga pulitiko. Katunayan, ang kanyang ama ang kauna-unahang Mayor ng Olonggapo.

Nakilala si Gordon sa kanyang mahabang paglilingkod sa Subic Bay Management Authority (SBMA).

Tumayo rin ito bilang kinatawan ng Philippine National Red Cross.

Nagsilbi sa munisipalidad ng Olonggapo.

Naging Secretary ng Department of Tourism na nagpalago ng turismo ng Pilipinas sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Naging Senador at pumalo sa pang-anim na puwesto noong 2007 Elections.


Sa kasalukuyan, wala pang advocacy ads na inilalabas si Gordon. Gayunpaman, present ang Senador sa mga forums na nilalahukan ng mga tatakbong Pangulo sa 2010.

Balitang sa ilalim ng isang bagong tayong partido kakandidato si Gordon.

Kung track record at kakayahan ang batayan, malaki ang tsansa ni Gordon. Subalit, wala sa kanya ang makinarya at impluwensya lalo pa't bagito ang kanyang partido.

No comments: