FRANCIS "CHIZ" ESCUDERO

Sa galing at lalim ng mga salitang binibitawan, wala na nga yatang tatalo kay Sen. Francis "Chiz" Escudero. Matunog na pambato ng mga kabataan.


Pumangalawa sa Senatorial Race noong 2007 Elections.

Umaangat sa mga forums dahil sa angking galing sa talakayan.


Kilalang kritiko ng Gloria Arroyo Administration. Pirming miyembro ng oposisyon kahit pa, karamihan sa kanyang mga kasama sa partido ay umanib na sa Administrasyon.


Siyam na taong naglingkod sa Unang Distrito ng Sorsogon bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan.

Nakilala bilang Minority Floor Leader at nanguna sa Impeachment laban kay PGMA.


Hindi pa tiyak ang kandidatura ni CHIZ. Ayon sa mga balita, pinag-pipilian pa sa kanila ni Sen. Loren Legarda ang dadalhin ng kanilang partido.



Marami ang nagsasabing masyadong maaga na ambisyonin ni CHIZ ang pagka-Pangulo.


Subalit, marami rin naman ang nagsasabing pasok sa criteria ng isa Pangulo si Francis Escudero.


Sa maigting na laban sa karerang pang-Panguluhan, tatagal kaya si Chiz?

No comments: