MANNY VILLAR
Sa kabi-kabilang advocacy ads sa Radyo, Telebisyon, Dyaryo, Billboards at iba pa, hindi na maitatagong ready to go na nga ang kandidatura ni Sen. Manny Villar sa 2010 sa ilalim ng Nacionalista Party.
Nangunguna si Villar sa mga ratings ng ibat-ibang research organizations. Siya rin ang may pinakamalaking nagastos sa advocacy ads ayon sa datos ng ilang organisasyon.
Popular si Villar sa publiko. Kilalang mambabatas ng ilang taon. Umupong Senador at naging Pangulo pa ng Senado. Malaunan, pinatalsik sa Senate Presidency dahil sa anumalya ng C-5 Road Extension.
Kilalang tumutulong sa mga OFW si Villar. Hindi sa pagpuri sa kanya, talaga namang marami nang natulungan ang Senador. Sa kanyang bulsa mismo nanggagaling ang pamasahe ng mga nabiktimang OFW's.
Sumikat si Villar sa linyang "SIPAG at TIYAGA" na ginamit niyang tagline sa mga nakaraang kampanya. Kilala sa kulay orange o kahel si Villar. Pamilya rin sila ng pulitiko. Ang asawa ni Villar na si Cynthia Villar ay Kongresista sa kasalukuyan.
Sa pagpalo ng ratings at popularity rate, malaki ang tsansa ng Senador na maipanalo ang karerang pang-Panguluhan sa 2010.
Iyon, ay kung masasagot niya ang mga kontrobersiya sa kanyang pagkatao, bilang pulitiko at bilang mamamayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment