MAR ROXAS

Kadikit na halos ng pangalan ni Senador Mar Roxas si Korina Sanchez, isang kilalang broadcaster, at ang babaeng papakasalan ni Roxas.

Noong isang taon pa umugong ang balitang magiisang-dibdib ang dalawa, ngunit bakit tila ngayong panahon ng kampanya naisipan ng dalawa na magpakasal. Tanong tuloy ng ilan, propaganda ba ito ng Senador para sumikat? Ginagamit nga ba ni Mar si Korina sa kanyang ambisyon?

Galing sa isang Political Dynasty si Roxas. Ang kanyang Lolo na si Manuel Roxas ay minsan nang naging Pangulo ng bansa.

Kabi-kabila na rin ang advocacy ads ng naturang Senador. Present din sa mga Presidential Forum.

Nanalong Senador at kinilala bilang Mr. Palengke, matapos ang matagumpay na pamumuno sa Department of Trade and Industry (DTI) sa panahon ng Administrasyong Arroyo.

Ngunit sa kasalukuyan, isa sa pinaka-maingay na kritiko ni Arroyo si Roxas. Sa isang pagkakataon, nagmura pa ito sa isang political rally. Bagay na ikinadismaya ng marami. Binatikos rin ang ginawa niyang iyon ng mga ka-alyado ni Pangulong Arroyo.

Ginamit ngayon ni Roxas ang gasgas na linyang pang-kampanya. Linyang marami nang pinanalo, at marami na ring pinataob.

"Hindi ko kayo pababayaan, lalaban tayo!"

Sa karera sa MalacaƱang, hindi papahuli si Roxas sa popularidad, makinarya at track record.

No comments: